Sunday, May 23, 2010

Pagtatapat 101

Nanood ako Spiderman 2 nung isang araw, at imbes na mamangha ako sa skills ni Spidey eh kinilig na naman ako sa love story ni MJ (though sa cartoons di naman ganun). Anyway, naisip ko kung bakit patok ang mga tipong My Best Friend's Wedding, You've Got Mail, Dawson's Creek sa mga tao (aminin sinubaybayan mo love story ni Joey at !), ay dahil dun sa nagkadevelopan theory ng pag-iibigan. Actually hindi ako fan nito, totoo, dahil naexperience ko na yan, mahirap pag one sided lang.
Hahaha! Anyway.. kung halimbawa magtatapat man ako naisip ko paano ko sasabihin..

*dream bubble*

"Chong, alam mo natutuwa akong kasama ka. Nakakatawa ka kasi. Para akong nasa comedy bar tuwing kasama kita. Bukod sa nakakatawa na in itself yang mukha mo, natatawa ako sa mga hirit mo, sa mga biro mo, kahit na hihingi ka lang ng patis eh natatawa na ako..
Hindi ako nabibighani sayo. Utang na loob. Maghunus dili ka. Pero gusto kita. Masaya ako pagkasama kita, kahit na madaming mali sayo, at ayoko na isa isahin, mas lamang pa din yung mga tamang bagay sayo.


Napapasaya mo ang araw ko, para kang si Simba, nakakaaliw, pero habang tumatagal, nakakabilib. Bakit si Simba, aba malay ko?! Problema ko pa ba yun? Para kang beer, sa una ang sarap isuka, pero kalaunan, hindi mo na mabitiwan.

Hindi man eto ang pinaka romantic na pagkakasabi ko sayo ng nararamdaman ko, pero lahat ng sinabi ko totoo. Gusto kita, hindi lang dahil napapasaya mo ako, kung hindi dahil ikaw yan. Wala nakong hihilingin pa, walang labis,wala ng kulang. Sakto lang. Hindi ka perpekto, wag na wag mo iisipin na perpekto ka. Masama yun. Pero kaya kita nagustuhan, dahil hindi ka perpekto. Dahil kahit na hindi ka perpekto, nagiging perpekto ka sa mata ko. Sh*t ang corny.

So Chong, bago pa tuluyang masira ang gabi ko sa pagsabi mo na bangag lang ako, gusto ko sana malaman mo, na sana bigyan mo ako ng pagkakataon na mapasaya ka katulad ng pagpapasaya mo sa akin. Wag ka matouch masyado, di pa naman natin kailangan mahalin ang isa't isa. Hinay hinay lang, masyado kang excited. Madaming pang oras para jan chong. Pagkakataon lang ang gusto kong hilingin sayo. At pambayad sa iniinom nating beer."

ASTEG diba? Kung sa akin sasabihin yan.. Hypothetical lang naman. Wala lang. Nakakatuwa lang diba? Sunod wedding proposal naman gagawin ko. Hahahaha!Bakit nawawala mga friends ko sa YM? Baka navirus-an na naman ako. Peste.

No comments:

Post a Comment